KASAYSAYAN
NG BARANGAY BAHAY-PARE
Ang nayon ng Bahay-Pare ay
may angking maningning na kahapon…Ang nayong ito ay siyang unang kabayanan ng
bayan ng Meykawayan.Tinawag itong “Bahay-Pare”
sa kadahilanang pinagbayanan umano ng mga misyonaryong pari noong panahon ng
mga kastila.Ang tiyak na lugar na maaaring tawaging “Duyan ng mga Kristiyanismo” ay tinatawag na “Sitio Toril” o pook ng mga toro.
Ang
binhi ng pananampalatayang Kristiyano ay isinabog sa bayan ng Meykawayan noong
1578 nina Padre Juan de Plasencia at si Padre Diego Oropesa.Pawang mga kabilang
sa unang bugso ng mga Pransiskanong misyonero na dumating sa Pilipinas noong
1577.Sa isang nayon sa kabukiran ng silangang bahagi ng Meykawayan,sa isang na
kung tawagin ay “Sitio Toril”
(ngayo’y sakop ng Bahay-Pare) umusbong ang binhi ng kristiyanismo.Dito
nagsimula ang matagumpay na paghahasik ng Mabuting Balita ng Kaligtasan.
Ang
unang simbahan sa ilalim ng pamimintuho kay San Francisco de Asis.Ito ay
malawak na bakuran kung saan kumukuha ng ikinabubuhay ang mga prayle.Halos
sampung taon din ang inilagi ng simbahan sa kanyang unang kinalalagyan,ngunit
noong 1588,dinalaw ng malakas na bagyo ang pook na ito,na siyang sanhi ng pagkagiba
ng simbahan at ng mga bahay na katabi nito.Sa utos ni San Pedro Bautista
inilipat ang simbahan sa Lagolo,sa pamamahala ni P. Artemio de Nombela,ministro
ng naturang bayan.
ANG MGA MAMAMAYAN NG BAHAY PARE
Sa pagkatatag ng simbahan sa
pook ng Bahay-Pare kasabay na natayo ang pamayanang Meykawayan.Ito’y sa gilid
ng ilog na dinadaluyan ng mga Bangka at kasko na nagdadala ng mga kalakal at
sari-saring paninda sa bayan-bayanan na ito ng Meykawayan.
Ang
taguring Bahay-Pare ay nananatiling taguri sa nayon ng Bahay-Pare ang unang
pinagtayuan ng simbahan ng Meykawayan at unang pamayanan ng Meykawayan
.Nagpatuloy ito sa masiglang pamumuhay mula noon hanggang sa kasalukuyan.Ang
pagsasaka sa malawak
bukiran,pag-aalaga sa mga hayop sa bakuran ,pagtitibag ng
bato sa pook tibagan (kung saaan naroroon ang malaking tipak ng bato).Ito ang
ilan sa mga hanap buhay ng mga masisipag na mamamayan ng Bahay-Pare,gayundin
ang pagluluto nla ng suman,halaya,leche plan,at kakaning dinadala pa nila sa
iba’t ibang kabayanan ng Meykawayan.Patuloy ang mga mamamayan sa masiglang
pamumuhay, pagtutulungan, pagdadamayan,mga palusog,at mga bayanihan at higit sa
lahat ay masiglang pagdaraos ng iba’t ibang pagdiriwang.
Mula
noong taong 1920 ang fiesta ng Bahay-Pare ay idinaraos tuwing unang
sabado,ngunit sa kasalukuyan ay ginaganap na ito tuwing unang linggo,pagkatapos
ng linggo ng pagkabuhay.Hindi nila idinaraos ang fiesta sa simpleng
araw,sapagkat abala ang mga tao sa “Pagdadalatan”
o ang pagsasabog ng binhing palay o pagsasaka.
Tuwing
buwan ng Oktubre at hindi pa pumapatak ang ulan,ay nagdaraos sila ng “Lutrina”.Ito ay pagkakaroon ng prusisyon
sa daan at isinasagawa ang pagsigaw ng pagdarasal.Ito’y paraan nila ng paghingi
ng ulan sa Poong Maykapal.Sa ganitong buwan din idinaraos dito ang pagdarasal
ng Santo Rosario sa loob ng Bisita.
Kung
buwan ng Mayo ay ginaganap ang “Flores De
Mayo” may inanyayahang dalawampu’t apat na dalaga na may dalang
bulaklak.Sinusundo ang mga dalaga ng mga batang nakadamit anghel at inihahatid
nila ang mga bulaklak sa Mahal na Birhen habang inaawit ang “Flores De Mayo”.
Sa
katapusan ng buwan na Mayo ay binubuo naman ng komite ang “Pabasa” sa Kwaresma.Taon-taon ay nagpapalit-palit ang bumubuo ng
komite,ang gawain ng naturang komite ay isaayos at idaos ang pagbasa ng
pasyon,pinupuntahan ang bahay-bahay upang humingi ng abuloy na gagamitin sa “Pabasa”.Ito ay ginaganap tuwing ikatlong
istasyon ng “Via Cruz” na noon,mula
sa araw ng biyernes hanggang sabado. At sa ngayon ay ginaganap mula sabado
hanggang linggo.
· ANG KRUS NG SITIO TORIL
Isang krus ang itinayo ng mga
prayle sa kanilang pinagmimisyonan kasabay nito ang pagtatayo ng isang kubo o
“tuklong” na nagsisilbing tuluyan nila
sa kanilang pamamalagi at pook nadasalan na rin.Ang kubong ito ang nagsisilbing
unang simbahan para sa katutubo.Ang krus ay iniwan ng mga prayle sa kanilang
unang simbahan ng lumipat sa Lagolo.Ang krus na ito ay kasalukuyang nasa
pangangalaga ni G.Fidel Amparo.Sinasabing ang krus na ito ay nakuha pa sa
kanilang mga ninuno sa guho ng unang simbahan (ngayo’y pag-aari ng kanilang
pamilya) ayon sa huli ang pangangalaga sa krus ay nagmula kay G. Pedro Diaz.
Noong taong 1940 binago ang krus
sapagkat napakabigat dalhin ito sa prusisyon at kailangan mag-anyaya pa ng mga
taong bubuhat nito.Sa ngayon ang Sitio Toril ay inilagak muli sa pangangalaga
ng Bisita ng Bahay-Pare.Ang krus na ito ay paminsan-minsan ay hinihiram ng
Dioses ng Malolos at Parokya ng St. Francis De Assisi bilang pagpaparangal sa
pinakamatandang krus ng Meykawayan.
ANG
KULTURA NG BARANGAY BAHAY-PARE
Ang Barangay Bahay-Pare ay
mayroong iba’t ibang mga iniingatan at pinangangalagang mga kultura dahil ito
ang isa sa mga yaman ng aming barangay na kung saan ay ito ang naging tulay sa
pagkakaroon ng isang makabuluhang barangay sa Meykawayan,ito ang Barangay
Bahay-Pare.Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga tanyag,natatangi at
ipinagmamalaking mga kultura ng Barangay Bahay-Pare:
·
3 KINGS O
PASKONG BUKID (Ginaganap ito tuwing buwan ng Enero bilang parangal at pagpupuri
sa tatlong hari o pantas na dumalawat naghandog ng alay kay Hesus noong siya ay
isilang.Tuwing ipagdiriwang ito mula ika-6 hanggang ika-8 ng Enero ay namamasko
ang mga bata gayundin na rin ang mga matatanda).
MGA FIESTA
(Ipinagdiriwang din sa aming
barangay ang iba’t-ibang mga fiesta kada-taon upang hindi ito mapabayaan at
maging parte pa rin ito ng tradisyon sa barangay).
·
FIESTA NG
MGA PATRON (Ipinagdiriwang tuwing ika-1 ng Mayo.Ang patron ng Bahay-Pare ay
si San Jose na isang magsasaka.Ginaganap ang pistang ito dahil ang aming
barangay ay bukid noon at pagsasaka ang pangunahing hanap-buhay
rito.Nagkakaroon din ng misa ng siyam na araw,mga palaro at iba pang mga
aktibidad).
·
FIESTA NG
MGA PATAY (Ipinagluluksa ng mga tao ang kanilang mga pumanaw na mahal sa
buhay.Nag-aalay sila ng mga panalangin para sa mga yumao.Nagpapamisa rin upang
maiparating ang ating pananampalataya.Nagiging tulay ang Fiesta ng mga Patay sa
pagkakabuo muli ng mga pamilya at magkakamag-anak sa pamamagitan ng pagdalaw sa
sementeryo.
·
FLORES DE
MAYO (Dinaraos tuwing buwan ng Mayo at matapos naman nito ay ang sagala).
·
SIMBANG-GABI
(Isinasagawa pa rin tuwing Disyembre bago sumapit ang Pasko sa kabayanan at
kabukiran.Ginaganap ito sa Bahay-Pare Chapel
·
BARANGAY
FLAG CEREMONY (Ginaganap tuwing unang Lunes ng Buwan.Dito ay magsasama-sama
ang mga nanunungkulan sa barangay upang umawit ng Lupang Hinirang.Matapos nito
ay ilalahad nila ang nagawa nila sa loob ng isang buwan.Gayundin,pinairal din
nila ang flag ceremony sa mga paaralan upang magbigay ng pagkilala sa ating
watawat.
·
MEDICAL
MISSION KADA-TAON (Taon-taon ito isinasagawa upang magbigay nga libreng
serbisyo sa pagpapagamot ng mga nangangailangan.
Ilan lamang iyan sa kultura ng
Barangay Bahay-Pare na talagang ipinagmamalaki.Napakahalaga nito dahil ito ay
nakatatak na sa mga mamamayan rito at tanging panahon na lang ang
makapagpapabago nito.Dapat itong pahalagahan ng mga nasa katungkulan at sila ay
dapat na maging modelo upang mapaunlad pa ang ating kultura sa tulong na rin ng
mga kabataang naninirahan dito.
ANG
MGA PAGKAING WALANG KASING TAMIS SA BARANGAY BAHAY-PARE
Ang Barangay Bahay-Pare ay
mayroon pang natatagong kayamanan bukod sa mga kultura,ito ay ang mga pagkaing
walang kasing sarap kung sa Barangay Bahay-Pare matitikman.
Ang mga tanyag na pagkaing ito
ay ang mga mintamis gaya ng leche
flan,halayang ube,suman at marami pang iba.Ang mga may-ari ng mga
minatamis na ito ay kilala na rin sa aming barangay dahil sa nagmula pa ito sa
kanilang mga ninuno at naipasa sa kanila.Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin
nila itong ipinamamana sa kanilang angkan dulot na rin na ang mga produktong
ito ay mula pa sa kanilang mga ninuno na nakagawian na nilang gawin at isa pa
ay dahil sa malakas na kita nito,halimbawa na lang ng mga dumarayo rito lalo na
noong Pasko at Bagong Taon.
Likas naman itong
pinahahalagahan ng ating Sangguniang Barangay dahil ginagamit nila an gating
mga kilalang produkto sa iba’t ibang mga kumpetisyon tulad ng paggawa ng
konsepto kaya naman ang Bahay-Pare ay laging nangunguna sa mga ganitong
patimpalak.Pinahahalagahan din ito ng mga mamamayan at patuloy na tinatangkilik
dahil ito ang mga pagkaing walang kasing tamis
sa Barangay Bahay-Pare.
TUNAY
BANG MAUNLAD ANG BARANGAY BAHAY-PARE?
Sa ngayon ay hindi pa masasabing talagang
maunlad na ang Barangay Bahay-Pare kung ihahalintulad sa ibang mga Barangay
ngunit pinipilit at sinusubukan ng ating
Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan na maisulat sa kasaysayan na ang
Bahay-Pare ay isa ng maunlad at mayaman na barangay hindi lamang sa Meycauayan
kundi pati na rin sa buong Pilipinas.Maisasakatuparan lamang ito kung mayroong
disiplina ang mga mamamayan at kung magagampanan ng tama ng mga nakaluklok sa
puwesto.
SAGISAG
NA NAGPAPAKITA NA MAUNLAD ANG BARANGAY BAHAY-PARE
Hindi man maunlad ang Barangay Bahay-Pare kung
ikukumpara sa iba ngunit may mga palatandaan pa rin na maunlad ang aming
Barangay.
Isa sa mga halimbawa nito ay
ang ipinagmamalaking produkto ng aming barangay,ang iba’t Ibang uri ng mga minatamis gaya
ng leche flan,suman at halayang ube.Malaki ang naitulong nito upang maipakita
na mayaman ang ating barangay dahil ito ay nagmula pa sa kanilang mga ninuno na
patuloy na naiipamana hanggang sa ngayon at isa pa sa dahilan ng paglago ng mga
produktong ito ay dahil sa mahal ng mga may-ari ang kanilang mga ginagawa.Bukod
naman sa mga produktong minatamis ay nariyan din ang mga pabrika.Isa sa
pinakakilalang pabrika ditto ay ang Steel
Asia o pagawaan ng mga bakal at marami pang iba.Hindi lamang ang aming
barangay ang nagpapakita ng kaunlaran kundi pati na rin ang mga masisipag at
matitiyagang mga mamamayan.
APEKTADO
NGA BA NG MATINDING POLUSYON ANG BARANGAY BAHAY-PARE SA LIKOD NG MGA PABRIKA AT
MGA PRODUKTO?
Kung mga produktong tulad ng
mga minatamis ang pag-uusapan ay wala naman itong inlalabas na mga usok at iba
pa kaya naman hindi ito nagdudulot ng anumang polusyon.Samantala,ang mga
pabrika na susi sa ating pag-unlad ay nagiging sanhi rin ng polusyon.Naglalabas
ang mga pabrika ng mga usok ngunit ang mga ito naman ay pasado sa pagsusulit at
pagiinspeksiyon ng DENR o Department ofEnvironment and Natural Resources.Sa kabila nito ay
nakakatanggap pa rin ang Sangguniang Barangay ng iba’t ibang mga reklamo dahil
pinapasok ng usok ang ilang mga kabahayan kaya naman agad nagsasagawa ng isang
mabilisang aksyon ang mga nasa katungkulan.Gayunpaman ay hindi naman matindi
ang polusyon na nararanasan natin dahil sa marami pa ring mga puno at halaman
na nakatanim at pinangangalagaan sanhi na rin ito ng pagiging bukid ng Barangay
Bahay-Pare.Bagamat ang ilan sa mga ipinagmamalaki ng ating barangay ay
nagdudulot ng polusyon,gumagawa pa rin ng paraan ang mga nasa katungkulan upang
mabawasan ito at ilan lamang ito sa nagpapakita na ang mga mamamayan ng
Bahay-Pare ay responsable.
ANG SANGGUNIANG
BARANGAY NG BAHAY-
PARE
PARE
MARIO O. SEMINIANO
PUNONG BARANGAY
Si Kagalang-galang Mario O.
Seminiano ang Punong Barangay at Ama ng Barangay Bahay-Pare.Siya ang namumuno
sa lahat ng mga aktibidad at proyekto ng aming barangay.Siya ang responsable sa
pamamahala sa aming Barangay sa abot ng kanyang makakaya upang maisulong ang
kaunlaran,kapayapaan,kalinisan at iba pa.Ginagawa niya ang kanyang tungkulin
bilang Kapitan katuwang ang mga konsehal ng barangay.
MARCELINO M. BERNARDO JR.
UNANG KAGAWAD
Si
Kagalang-galang Marcelino M. Bernardo Jr. ang unang kagawad sa Barangay
Bahay-Pare.Siya ang namumuno sa Komite ng Kalinisan kaya naman siya ang
responsable sa mga basura,kalat at ibang aktibidad ukol sa kalinisan.
EUFRONIO R. AMPARO
IKALAWANG KAGAWAD
Si Kagalang-galang Eufronio R. Amparo ang ikalawang kagawad sa
Barangay-Bahay Pare.Siya ang namumuno sa Komite ng Edukasayon kaya naman siya
ang naatasan na mamahala sa mga paaralan at obserbahan ang mga paaralan upang
makapaghandog ng mas mabuting edukasyon.
ROY ANGELO E. DEL ROSARIO
IKATLONG KAGAWAD
Si Kagalang-galang Roy Angelo E. Del Rosario ang ikatlong kagawad sa
Barangay Bahay-Pare.Siya ang namumuno sa Komite ng mga Gawain sa Barangay kaya
naman siya ang nag-aasikaso ng mga gagawing proyekto at aktibidad.
PERFECTO Y. DIAZ
IKA-APAT NA KAGAWAD
Si Kagalang-galang Perfecto Y. Diaz ang ika-apat na kagawad ng Barangay
Bahay-Pare.Siya ang namumuno sa Peace and Order Committee kaya naman tungkulin
niyang palawigin ang kapayapaan at katahimikan sa aming barangay.
LEONARDO E. BERNARDINO JR.
IKA-LIMANG KAGAWAD
Si Kagalang-galang Leonardo
E. Bernardino Jr. ay ang ika-limang kagawad ng Barangay Bahay-Pare.Siya ang
namumuno sa Komite ng Agrikultura kaya naman kailangan niyang paunlarin ang mga
sakahan at mga pananim para na rin sa ika-uunlad ng mga magsasaka.
NICOMEDES E. FABRE
IKA-ANIM NA KAGAWAD
Si
Kagalang-galang Nicomedes E. Fabre ang ika-anim na kagawad sa Barangay
Bahay-Pare.Siya ang namumuno sa Komite ng Pananalapi.
MERCEDITA R. RODRIGUEZ
IKA-PITONG KAGAWAD
Si
Kagalang-galang Mercedita R. Rodriguez ang ika-pitong kagawad ng Barangay
Bahay-Pare.Siya ang namumuno sa Services Affair
Committee.
KALIHIM: JOSELITO O. RODRIGUEZ
INGAT-YAMAN: CRISANTA E. RODRIGUEZ
HEPE: BERNABE R. ALTOVEROS
DEPUTY: FRENDIUN A. DELOS SANTOS
ANG SANGGUNIANG KABATAAN NG BARANGAY BAHAY-PARE
SK CHAIRMAN AND SPORTS COMMITEE: CRISTINE ELIZA MAE S. CAMACHO
BRGY. ADMIN. ASST.: REMEGIO E. RODRIGUEZ
BARANGAY CLERK: ANALIZA E. ROBERTO
ANG KABUHAYAN SA BARANGAY BAHAY-PARE
Sa Barangay Bahay-Pare ay mayroong iba’t ibang mga kabuhayan na talagang
nakakatatak na sa buhay,dugo,tradisyon
at kultura.Dahil sa mga ito ay makikilala at mahuhubog ang kagandahan at
kahiwagaan na mayroon ang Barangay Bahay-Pare.
Ang ilan sa mga kabuhayan sa barangay na ito ay ang mga sumusunod.
·
PAGSASAKA
Mula pa man noong panahon pa ng mga Kastilang Pari na nanahan sa
Barangay Bahay-Pare ay isang malawak na bukirin at kagubatan kaya naman
pagsasaka na ang kabuhayan at
pinagkakakitaan mula pa noon.Ang pagsasaka ay isang marangal at simpleng
hanapbuhay noon ngunit isang hiwaga ang naganap dahil sa paglipas ng mahaba at
masalimuot na panahon ay naipamana pa rin ang gawaing ito hanggang sa
ngayon.Ipinagmamalaki ang pagsasaka sa barangay na ito dahil ito ay parte na ng
kultura mula pa noon hanggang sa ngayon at ito pa rin ang pangunahing
ikinabubuhay ng ilan sa mga mamamayan.Bukod pa sa mayroon na silang
hanap-buhay ay nakakatulong rin ang mga
bukuring ito dahil sa ito ay magandang tanawin ng aming barangay at ito ay
nakakatulong din sa pagbawas ng polusyon.
Dahil sa kahalagahan ng pagsasaka
at ng mga bukirin,patuloy pa rin itong binibigayan ng importansiya at sapat na
atensiyon upang mapangalagaan ang kabuhayan at kultura.Isang halimbawa nito ay
ang pagkakaroon Komite sa Agrikultura na pinamumunuan ng ating lingkod na si
Kagalang-galang Konsehal Leonardo
Bernardino Jr. upang lalo pang paunlarin ang larangan ng pagsasaka at
panatilihin ang hanap-buhay na ito hanggang sa susunod pang mga henerasyon.
·
ANG MGA
PAGKAING MINATAMIS
Ang mga pagkaing minatmis
ay ang mga pagkaing tanyag ng Barangay Bahay-Pare at kabuhayan ng mga
mamamayan.Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
·
LECHE
FLAN
Ito ay isang uri ng
minatamis.Noon pa lamang ay nasa Pilipinas na ang Leche Flan.Nagmula ito sa
rehiyon na naghihiwalay sa Pransya at Espanya.Dinala naman ng mga Espanyol ang
pagkaing ito ng mapasailalim ng Espanya ang kapangyarihan ng Pilipinas.Hanggang
sa ngayon ay hindi pa rin ito nawawala dahil pangunahin pa rin itong
hanap-buhay sa barangay na ito na naipamana sa kanilang angkan.
Suman ang isa pa rin sa mga
pagkaing ipinagmamalaki ng Barangay Bahay-Pare na siya rin namang hanap-buhay
ng mga mamamayan dito.Mula pa noon ay suman na ang tinatangkilik na pagkain ng
mga dumarayo dito.
·
HALAYANG-UBE
Halayang-ube pa ang isa
sa mga masarap na minatamis na matatagpuan sa Barangay Bahay-Pare.Hanap-buhay
rin ito ng mga mamamayan dito kaya naman malaki ang ginangampanan nito sa
barangay.
PROCEDURES
PROCEDURES
· …..”LECHE FLAN”…..
A delicacy prepared from glutinous rice cooked with either salt or sugar and with or without coconut milk, usually wrapped in buri, coconut or banana leaves and then, boiled or steamed. An ideal food for long trips and picnics.
Suman in Buri Leaves
Basic ingredients:
3 cups glutinous rice, 3 tsp salt, 2 cups thick coconut milk
1. Soak glutinous rice in coconut milk until grains are swollen.
2. Wash rice and drain.
3. Add salt and coconut milk.
4. Fill up buri pouches about 2/3 full
5. Pin the ends of the buri pouch together with a piece of bamboo pick.
6. Tie each suman with strips of buri.
7. Set suman in kettle and let it boil for 2 hours or until cooked.
Suman in Banana Leaves
Basic ingredients
3 cups glutinous/sweet rice, 1 i/2 coconut milk, ¼ teaspoon salt
Procedures:
1. Wash glutinous/sweet rice and let it soak in coconut milk until swollen. Drain, then add salt to taste.
2. Let the mixture boil then let it cool for a while.
3. Prepare slightly wilted banana leaves, put at least 3 tablespoons of the rice mixture in the leaves, then tie each piece in pairs, with the folded ends facing each other.
5. Then, place the suman in the steamer or submerge in boiling water. Let it sit for 30 minutes or until rice is softly cooked.
6. Cool, then serve either with sugar or grated coconut or even milk
MGA PABRIKA
The original leche flan recipe was
from my Mom but my sister Lorna reconfigured it to fit her tastes.
The perfect flan is such that when
you slice through it, it barely quivers like jello. There is very little
syneresis, that is, no weeping (or lots of holes in it!). I am sharing this
precious recipe so you may prepare it for your family.
5 eggyolks
2 eggs
1 can condensed milk
1 can water (use the condensed milk’s can for measuring)
1 tbsp. vanilla to add to the mixture
1/4 cup to 1/3 cup sugar for caramelization
2 eggs
1 can condensed milk
1 can water (use the condensed milk’s can for measuring)
1 tbsp. vanilla to add to the mixture
1/4 cup to 1/3 cup sugar for caramelization
·
Get a pyrex loaf dish (or equivalent oval, square, or round dish).
·
Caramelize 1/3 cup sugar in it. Use your oven. When the sugar is
starting to melt, make sure that you watch carefully. You don’t want the
caramel to be too dark or it will taste burnt. Manipulate the dish until you
are sure that the caramel is evenly placed on the bottom of the pan. Let the
pan rest on the stove top.
·
Pre-heat the oven to 325 degrees Fahrenheit.
These are the cooking times:
For the first 45 minutes: 325
degrees Fahrenheit
For the next 20 to 25 minutes, until the toothpick test shows that the flan is done: 350 degrees Fahrenheit
For the next 20 to 25 minutes, until the toothpick test shows that the flan is done: 350 degrees Fahrenheit
Procedure:
1. Separate 5 eggyolks when the eggs
are cold. It’s easier to get the whites and the yolks separated. Set the whites
aside to use for Flan de Huevos Blancos or Angel Cake.
2. In a mixing bowl, mix the
eggyolks, eggs, condensed milk, water, and vanilla until well-blended. Set
aside for a few minutes so that the mixture reaches room temperature. Do not
beat up the mixture
to form bubbles. Just try to make
sure that the eggwhites are blended in.
3. While waiting for the mixture to
reach room temperature, prepare your baine marie (bano maria).
Get a rectangular roasting pan that
is slightly taller than the baking pan that you are using for your flan. Put
this roasting pan inside your pre-heated oven. Add water to the pan, about
mid-way. Be careful that you don’t splash water around as you heat this pan of
water.
4. Get a small rounded double-meshed
metal strainer, as finely-meshed as you can find them (similar to the strainer
that comes with a wok). This is the secret of the recipe.
5. Get a bowl and put the strainer
over it. Spoon (with a 1/4 cup measuring cup) the mixture over the metal
strainer. With a rubber scraper, smoothen any eggwhites through the strainer.
Using a wooden spoon (or other mixing spoon), blend the smooth mixture.
6. When you have finishing straining
the mixture, blend the muixture with your wooden spoon one last time. Try not
to produce any bubbles while doing this.
7. Pour the mixture on your prepared
caramelized pan. It should have a thick, liquid “feel” to it.
8. Open your oven and pull out the
rack with the roasting pan (that has hot water on it).
Position the Leche Flan’s pan into
the center of the roasting pan.
9. Bend a little and check the
height of the water around the Leche Flan’s pan. You might need to add more
water (using your measuring cup) so that the water outside the pan reaches the
height of the leche flan. This is the secret to having very little syneresis
(or “weeping”).
10. Remember:
For the first 45 minutes: 325
degrees Fahrenheit
For the next 20 to 25 minutes, until the toothpick test shows that the flan is done: 350 degrees Fahrenheit
For the next 20 to 25 minutes, until the toothpick test shows that the flan is done: 350 degrees Fahrenheit
11. When you take out the cooked
Leche Flan from the baine marie, be careful not to splash water around. Set the
pan on top of the stove or counter to cool down.
12. Taking the Leche Flan out of its
pan:
Many a Leche Flan is destroyed by
the baker not knowing how to take it out of its pan.
Refrigerate the cooled-down leche
flan until you’re ready to unmold it.
Unmolding the Leche Flan: Run a
straight-edged (non-serrated) knife on the sides of the Leche Flan. Place a
piece of plastic wrap over the top of the Leche Flan and press down
ever-so-gently on the surface
of the flan. Let the caramel from the bottom of the pan run through the sides
of the pan. Get a pan of hot water and let the leche flan’s pan rest gently on
this water bath for a few minutes. The rest of the mixture is cold and only the
bottom is hot. This is done so that the unmolding is faster — and smoother.
Take out the plastic wrap. Take your serving platter and place over the Leche
Flan. Invert the mixture in one quick move.
13. You can garnish the Leche Flan
with some macapuno strings or langka strips (preserved jackfruit) if you like.
…..“SUMAN”…..
A delicacy prepared from glutinous rice cooked with either salt or sugar and with or without coconut milk, usually wrapped in buri, coconut or banana leaves and then, boiled or steamed. An ideal food for long trips and picnics.
Suman in Buri Leaves
Basic ingredients:
3 cups glutinous rice, 3 tsp salt, 2 cups thick coconut milk
1. Soak glutinous rice in coconut milk until grains are swollen.
2. Wash rice and drain.
3. Add salt and coconut milk.
4. Fill up buri pouches about 2/3 full
5. Pin the ends of the buri pouch together with a piece of bamboo pick.
6. Tie each suman with strips of buri.
7. Set suman in kettle and let it boil for 2 hours or until cooked.
Suman in Banana Leaves
Basic ingredients
3 cups glutinous/sweet rice, 1 i/2 coconut milk, ¼ teaspoon salt
Procedures:
1. Wash glutinous/sweet rice and let it soak in coconut milk until swollen. Drain, then add salt to taste.
2. Let the mixture boil then let it cool for a while.
3. Prepare slightly wilted banana leaves, put at least 3 tablespoons of the rice mixture in the leaves, then tie each piece in pairs, with the folded ends facing each other.
5. Then, place the suman in the steamer or submerge in boiling water. Let it sit for 30 minutes or until rice is softly cooked.
6. Cool, then serve either with sugar or grated coconut or even milk
The texture is a little chewy and
creamy, and the flavor of the Ube should stand out. It is sometimes topped with
latik, made from continuously reducing the coconut cream until the
remaining curd gets fried from it's own oil.
…..“HALAYANG-UBE”…..
Some commercially prepared Halayang
Ube use all-purpose flour as thickener. The texture is quite different and the
Ube taste is not so pronounced so it's easily noticeable.
YOUR HALAYANG UBE SHOPPING
LIST:
- Ube Root or Purple Yam
- Coconut milk or cream
- Butter
- Condensed milk
IN THE PANTRY:
- Sugar
- Salt
INGREDIENTS
- 2 pounds Ube Root, boiled and peeled
- 1 can Coconut milk or coconut cream
- 3/4 cup Butter, softened
- 1 can Condensed milk
- 1 1/3 cup Sugar
- pinch of Salt
PREPARATION TIME : 10
minutes
COOKING TIME : 30 minutes
1 Cut the boiled and peeled Ube into 2 inch cubes. Using a
potato masher or potato ricer, mash until smooth and no chunks are visible. See
Cook's tips below for an alternate process.
2 Mix the ingredients in a pan, leave out 1/4 cup butter.
3 Cook stirring continuously on medium heat until the liquid
is reduced and fully absorbed by the yam, about 5-10 minutes.
4 Turn the heat to medium low and continue stirring until you
get a very thick consistency.
5 Brush your serving pan or container with remaining butter
and spread out the Halayang Ube. The butter will prevent it from sticking to
the container.
6 Cool and refrigerate before serving.
·
For easy mashing of the Ube root, put it in the food processor and put a
little coconut milk. Or you can use a Portable Stick Hand Blender and you can
mash it directly on the pan.
·
Back in the Philippines, my mom used a grater for the ube since we never
had a potato ricer, masher or food processor. Using a grater is quite tedious
but if it's all you have, that will do the job just as well.
·
Use a teflon or a non-stick pan when making this dessert. It's much
easier to handle the mix especially towards the end of the cooking process when
it's all sticky.
·
Add a pinch of food coloring if the ube you bought is not very purple.
Mix blue and red to get purple, and add it to the coconut milk so you don't get
a blob of undissolved food color.
·
Salt is an important ingredient for any sweet dessert, cakes or pastries
as it brings out the sweetness and enhances the flavor of any dessert.
Pabrika pa ang isa sa mga
hanap-buhay ng mga mamamayan dito sa pamamagitan ng pagiging isang
empleyado.Nakakatulong din ang mga pabrika sa pag-unlad at pagyaman ng Barangay
Bahay-Pare ngunit nagdudulot ito ng
polusyon.Magandang
balita naman na ang mga pagsusulit dahil sa maganda nitong kalidad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento